Umiikot na ang ambisyosong si Ex-Energy Sec. Jericho Petilla
IIKOT na raw ang asenso, sabi ni dating Energy Secretary Jericho ‘Ikot’ Petilla.
Aba ‘e paikot-ikot na ang mga tarpaulin kung saan-saan.
Ano ba ang pinaiikot mo, Mr. Petilla?!
Baka naman pinaiikot mo lang ang ulo ng sambayanan?!
Aba, gaano ka ba katagal naging Energy Secretary?
‘E ni hindi mo man lang naibaba ang presyo ng koryente at lalong hindi nawala ang brownout sa mga probinsiyang higit na nangangailangan ng liwanag.
‘Yung mga probinsiyang walang koryente at umasang magkakaroon na sa ilalim nga administrasyong naniniwalang may ‘Daang Matuwid’ ‘e nangamuti na ang mata sa kahihintay ng liwanag pero wala rin namang lumiwanag.
Nasilaw lang sila sa tuktok no’ng taga-Palasyo.
E ano naman ang kasiguruhan namin na kaya mong paikutin ang asenso?!
Ay sus, isa na namang LIP SERVICE ‘yan!
Sa toto lang, kayo lang ang umasenso at hindi ang sambayanang Pinoy!
[divider]
