Busisiin raket sa on-line gaming (Avia Group) sa CEZA

CEZA online gamingSa sinasabing kaugnayan ni Chinese fugitive Wang Bo sa ilang on-line gaming companies diyan sa CEZA, Cagayan, may mga mambabatas na nagmumungkahi na bakit hindi isalang sa masusing imbestigasyon at tuluyang i-operate ang lahat ng mga kompanya na pilit nagkukubli sa proteksyong ibinibigay ng CEZA?

Masyado raw nagiging untouchable ang ilang kompanya diyan na karamihan ay hawak ng gambling lord na si alias KIM WONG-BO.

Sinasabing ang “AVIA Group” ang kompanyang may hawak sa maraming on-line casinos sa bansa.

Dito rin daw nagmumula sa CEZA ang iba pang illegal on-line gaming businesses na ang karamihang nagtatrabaho ay foreigners na hindi malaman kung nasa tama ang pinanghahawakang working visa.

Talamak din daw ang visa-for-sale diyan gamit ang on-line gaming sa CEZA.

Dahil diyan, hindi nakapagtataka kung maging kanlungan ng mga puganteng nagmula sa mainland China at Taiwan ang CEZA dahil na rin sa proteksiyong naibibigay ng isang maimpluwensiya at untouchable clan diyan sa Norte.

Kernel Kupas este’ Tupas of BI-Intelligence, I suggest bakit hindi ito ang iyong i-case build-up at ipa-operate sa “ja-guars mo?”

Tila hindi bagay sa kalibre mo ang mga pipitsuging stalls ng mga tsekwa diyan sa Pasay-Baclaran!

Bakit mas madali ba ang aregluhan ‘este’ asuntuhin ang mga maliliit na stalls ng mga tsekwa kesa sa mga bigtime establishments gaya ng nasa CEZA?

Why don’t you go bigtime Kernel Kups?!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com