Thursday , June 4 2026

Ria, hahasain pang mabuti ni Sylvia

082615 Sylvia Sanchez arjo ria atayde
HINDI sukat akalain ni Sylvia Sanchez na bukod kay Arjo Atayde ay magiging artista pa rin ang isa niyang anak na si Ria Atayde. Tinapos muna ni Ria ang pag-aaral bago nag-artista. Magkasama rin sina Sylvia at Ria sa Prime-Tanghali serye na Ningning pero hindi sila magkaeksena.

Gusto ni Sylvia na matuto pa lalo sa pag-arte si Ria although pasado na rin ang acting nito bilang baguhan. Pero gusto niya gumaling pa bilang artista ang anak niya. Nagsisilbi siyang kritiko sa mga anak niya kaya matagal bago niya sinabihan si Arjo na magaling na ito.

Pinaghahanda rin ni Sylvia si Ria sa mga intriga. Siguradong hindi rin ito makaLIligtas gaya ni Arjo na naintrigang bakla noong mag-pose siya ng kabandingan niya. Kulitan lang ‘yun at lokohan na sumama pa ang mga kasamahan niya sa seryeng Dugong Buhay na sinaChristian Vasquez at Ronnie Quizon pero sineryoso ng ibang netizens.

Pero wala namang kaso kay Sylvia kung bakla ang anak niya. Sey nga niya, ipadadala niya sa New York ang anak niya kung gay para mag-aral at maging disenteng bading. Kaso, hindi naman daw bakla talaga si Arjo.

Bukod dito, kilala naman ni Arjo ang sarili niya kaya hindi siya apektado kung mapagkamalang bading. Wala siyang kailangang ipaliwanag.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …