Heavy traffic pa rin sa Macapagal Blvd. (Tatlong oras mula MOA hanggang Coastal Road)

macapagal trafficHanggang kahapon ay pinag-uusapan pa rin ang lumuwag na traffic sa Epifanio De Los Santos Avenue (EDSA).

Pero hindi pa rin nireresolbahan ang heavy traffic sa ‘maikling’ Macapagal  Blvd., sa Pasay City.

Sana subukan dumaan ni Pangulong Noynoy sa Macapagal Blvd., nang maranasan niya ang tatlong oras na biyahe mula MOA hanggang Coastal Road na dinaig pa ang biyaheng Maynila hanggang Tagaytay para utusan din niya ang PNP Highway Patrol Group (HPG) na magmando ng trapiko ng mga sasakyan sa lugar na ito.

Nang sa gayon ay maramdaman naman ng mga taga-South Metro ang sinasabing pagluwag ng trapiko ng mga sasakyan sa kumpas ng mga taga-PNP-HPG.

Aabangan po namin ‘yan!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com