Muffet, mas gustong i-share ang talent kaysa magpa-impress

090215 Mariefel Tan Muffet
BATA pa lang, mahilig na sa pagkanta si Mariefel Tan o mas kilala ngayon bilang Muffet. Isa na siya ngayong ganap na recording artist.

Nagsimula siyang kumanta sa Iligan noong 2000 na may banda siya. Hindi siya sumali sa mga singing contest sa TV pero nadiskubre siya ng kanyang album producer bilang hotel singer.

β€œTakot ako sa failure,” sambit niya kaya ayaw niyang sumali sa The Voice.

β€œAng gusto ko lang naman ay i-share ang aking talent,” dagdag pa niya.

Taong 2009 nang magsimula ang kanyang pagiging lounge singer sa mga five star hotel gaya ng Dusit Thani Hotel, Makati Shangri-La Hotel. Dito siya nadiskubreΒ  niSheldon Geringer na siyang tumatayong executive producer ng kanyang debut album na M.U.S.I.C. (Magandang Umaga, Sun Is Coming). Ito rin ang kanyang carrier single at kasalukuyang napapanood ang music video nito sa MYX Music Channel. Composer din ni Muffet si Vehnee Saturno na ang Saturno Music Studio ang namahala ng kanyang album.

Mapakikinggang din dito ang mga awiting Meteor, Akin Lamang, Make You Mine, Race Car, Lahat Ay Ikaw, Bad Tonight, Where Is Our Happiness, at Huwag Kang Lalayo.

β€œAko raw ang singer na nababasa nila kung ano ang nararamdaman ng aking puso. I would rather express than impress with my music,” deklara pa ni Muffet.

TALBOG – Roldan Castro