Thursday , September 12 2024

Amazing: Virgin kinabitan ng bionic penis (Napinsala sa aksidente)

082615 shift clutch gear

NAGING mahirap ang buhay para kay Mohammed Abad. Sinabi ng 43-year-old virgin mula sa Edinburgh, Scotland, “lost all of my genitals” nang siya ay mabundol ng kotse at nakaladkad nang 600 talampakan noong siya ay 6-anyos pa lamang, ayon sa ulat ng The Sun.

Makalipas ang 37 taon, nagkaroon siya ng bagong buhay — at sex—makaraan kabitan siya ng mga surgeon ng University College London ng 8-inch bionic penis. Gamit ang button sa kanyang scrotum, maaaring palakihin ni Abad ang kanyang pagkalalaki sa pamamagitan ng likido mula sa implants sa kanyang tiyan.

“When you want a bit of action you press the ‘on’ button, and when you are finished you press another button. It takes seconds,” pahayag niya sa The Sun.

Umabot ng tatlong taon ang mga doktor at ilang dosenang operasyon ang isinagawa para mabuo at maikabit ang bionic penis, gamit ang molded skin grafts mula sa kanyang braso.

Ang final operation na isinagawa nitong nakaraang buwan ay umabot ng 11 oras.

Sa kasalukuyan ay naghahanap siya ng babaeng kanyang mamahalin.

Noong 2013, lumabas si Abad sa news segment na pinamagatang “Embarrassing Bodies,” at sinabi niya na ang kanyang “penis” makaraan ang aksidente, na halos 2 inches lamang, ay walang pakiramdam, ayon sa The Daily Mail.

Ngunit hindi si Abad ang unang taong nagkaroon bagong ari na kanyang ipagmamalaki.

Isang hindi nakilalang lalaki sa South Africa ang kauna-unahan sa mundo na nakatanggap ng penis transplant nitong nakaraang taon at ngayon ay magkakaroon na ng anak, ayon sa ulat ng Reuters.

(THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

SM PRime CHILD Haus Ricky Reyes

CHILD Haus: 22 taon ng pag-asa at paggaling

IPINAGDIRIWANG ng Center for Health Improvement and Life Development (CHILD) Haus, isang kanlungan para sa mga …

SM PRime CHILD Haus Ricky Reyes

Ang CHILD Haus ay nagdiriwang ng ika-22 taon ng pagsuporta sa mga batang may cancer.

Ang CHILD Haus ay nagdiriwang ng ika-22 taon ng pagsuporta sa mga batang may cancer. …

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Sa ilang araw na lang bago ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, …

Krystall Herbal Oil

Warts sa gilid ng ilong natuyo, nabakbak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                I’m 49 …

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

Pormal nang binuksan ng Department of Science and Technology – National Capital Region (DOST-NCR), sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *