Gang war at droga sa AOR ng Bambang PCP lumalala!

gang war bambangPatuloy na kumakalat at lumalala ang benthan ng ilegal na droga o shabu sa mga eskinita na sakop ng MPD BAMBANG OUTPOST/PCP.

Hinaing ng mga residente sa naturang lugar, mas dumami pa ngayon ang mga gang war lalo na kapag nakasinghot ng ‘bato’ ang mga pasaway na gang.

Iba raw kasi ang trip ng mga miyembro ng gang kapag high na sa shabu ang mga kamote.

Kamakailan lang ay may napagtripan bugbugin ang ilang sabog na gang members na bystanders. Pati mga construction worker ay nakuyog rin ng mga lango sa droga na gang members.

Take note MPD DD Gen. Rolly Nana, ilang metro lamang ang layo ng pinangyarihan ng bugbugan blues sa Bambang PCP.

Ano ba ang mas pinagkakaabalahan ni Bambang PCP commander Kapitan Mangupet ‘este’ Mangune!?

By the way Kapitan Mangune, totoo ba na tuwing takipsilim o wala nang araw saka ka lang lumalabas sa opisina mo?

Madalas ka kasing makita sa Recto at Abad Santos avenues na tila ‘yung mga eskwelahan doon ang binabantayan mo!?

‘E kung ganoon, bakit naman hindi mo napapansin ang nagkalat na illegal terminal sa lugar na ‘yan, Sir?

At sino ho ba itong isang alias Sarhentong JERI na nagpapakilalang enkarga-tong ng iyong PCP?

Ipinagyayabang kasi n’yan na ‘ayos’ na lahat sa MPD HQ kaya dehins daw siya mapapalundag sa kanyang opisyal?

Bwakanabits!?

NCRPO RD Gen. Joel ‘idol’ Pagdilao, pwede ho ba paki-monitor ang performance ng Bambang PCP?

Bago pa maging little Vietnam ang A.O.R. nila!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com