Kasambahay tumalon sa 4/F patay

PATAY ang isang 53-anyos kasambahay nang tumalon mula sa ikaapat palapag ng bahay na kanyang pinagsisilbihan dahil sa matinding depresyon kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Nelly Rosaroso, stay-in sa 7845 Solchuaga St., Brgy. Tejeros ng naturang lungsod.

Sa ulat ni SPO2 Jayson David, imbestigadorย  ng Homicide Section ng Makati City Police, nangyari ang insidente dakong 7:20 p.m. sa ikaapat na palapag ng bahay na pinagtatrabahuan ng biktima.

Ayon sa employer ng biktima na si Andy Villon, 48, nag-iinoman sila ng ilan niyang mga kaanak nang mangyari ang insidente.

Bago ang insidente, nakita umano nilang malungkot ang biktima at hindi mapakali.

Hinala ng pulisya, bunsod nang matinding depresyon kaya nagpakamatay ang biktima.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.