This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
Ang Doctors to the Barrios Program ng Department of Health (DOH) ay masasabing isang programa na hindi naging epektibo sa ahensiyang ito ayon kay Congresswoman Leah S. Paquiz ng ANG NARS Partylist.
Ang kabuuang pondong inilaan ng Kongreso para sa DOH ngayong taon ay umaabot sa P26.5 bilyon o mahigit 31.4% lang ang gagastusin sa pag-a- upgrade ng health facilities.
Samantala, maraming Barangay Health Stations ay non-operative o non-functional dahil walang employed health workers.
Ikinakalat o Idinedeploy ang health workers tulad ng mga nurse, midwives at doktor sa mga kanayunan bilang “job orders” o “contracts of service” ayon sa programa.
May kaukulang pondo na umaabot sa P62.73 bilyon na kinukuha mula sa Maintenance, Operating and Other Expenses (MOOE) ng nasabing Departamento.
Dapat ay itigil na ito dahil contractualization ang iskema nito na maliwanag na labag sa ating batas.
Habang ang plantilla positions ng DOH ay may 35,189 at 24,023 lamang ang pinupunuuan, pagbubunyag ni ANG NARS Rep. Paquiz.
Ang sanhi ng mga insidente ng mga pagkalason ng maraming mamamayan sa iba’t ibang panig ng bansa nitong taon lalo na ng mga estudyante sa mga paaralan ay kakulangan ng health workers sa bawa’t paaralan at pamayanan na siyang nagbibigay impormasyon sa bawat mamamayan.
Taliwas, sa sinasabi ni Health Secretary Janet Garin na ito ay isyu ng hygiene and sanitation standard.
Kailangan mapunuan, ang mga plantilla positions na bakante sa DOH at ipatupad ang Salary Grade 15 bilang panimulang sahod hindi lamang sa health workers kundi sa lahat ng 1.5 milyong kawani ng gobyerno, hamon ng kinatawan ng NARS Party-list sa mga kasamang mambabatas.
Dagdag ni Paquiz, wala umanong pagkalahatang programang pangkalusugang ang matutupad kung walang mangangalaga sa kalusugan ng sambayanan.
Korek!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com