Makupad pa sa pagong ang Securities and Exchange Commission (SEC)

SECNarito pa ang isang ahensiya na tila nasasayang ang ipinasusuweldong taxpayers’ money.

Isang kaanak natin ang nagpunta riyan sa tanggapan ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa EDSA, Greenhills, Mandaluyong City para ipasa ang kanilang requirements.

Dumating sila roon before lunch dahil hindi naman nila akalain na ganoon kakupad magpro-seso ng papeles ang SEC.

Dahil nagtataka sa sobrang kakuparan, ‘e di nagmasid-masid sa paligid ‘yung kaanak natin.

Aba, walang tao sa bawat counter lalo na sa green lane.

Ang haba na ng pila sa iba’t ibang counter pero wala silang makitang authorized personnel to accept their documents.

Kaya tinanong na nila ‘yung ibang nakapila.

Aba, ‘yung iba daw ‘e 8:00 am pa roon pero mag-aalas-4:00 na ng hapon, hindi pa rin nila naipapasa ang kanilang mga dokumento.

Ano ba ang nangyayari diyan a teritoryo mo SEC Commissioner for corporate regulation David Balangue?!

Anak ng pusa!!!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com