This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
Kung may photo bomber sa Maynila, sa NAIA ay may binansagang ‘immigration bomber’ ang mga baguhang Immigration Officers at ilang Supervisors ng Bureau of Immigration (BI).
Isang bisor ng BI-NAIA, na itinuturing ng isang IO na ‘tutor’ at ‘mentor’ na siyang nagturo sa kaniya ng mga pasikot-sikot sa pagganap ng official function as immigration authority, ang siya ngayong inirereklamo niya dahil sa umano’y pagiging ‘manolo.’
Mahilig kasi umanong ‘manolo’ ng mga ini-aabot na ‘pitcha’ ng ilang nakikiusap na kinatawan daw ng business group para sa VIP assistance/escort para sa kanilang bisita sa airport.
Manolo nga as in ‘manonolo’ at ‘mambubukol’ ng kuwarta pala ang damuhong bisor!!!
Kaya pala binansagang ‘immigration bomber’ ang beteranong tulisan na bisor na sobrang tagal na ang pamamayagpag sa BI-NAIA.
Bukod pa rito, pumapapel pa raw na ‘eyes and ears’ kuno ni Immigration Commissioner Siegfred Mison sa BI-NAIA, not knowing na siya pala ang number one namamasahero at escort boy sa NAIA!
Sonabagan!
‘Finger boy’ o ‘boy turo’ pala siya ni Commissioner Mison, dahil siya ang ‘taganguso’ kung sino ang ‘itatapon’ na IO na ‘rebel’ o nagsasalita nang laban kay Mison.
Bwakanabits!
Malatuba raw talaga si Bisor ‘Manolo’ kahit itanong pa ninyo kay BISOR RICO PEDREALBA!!!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com