This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
CONGRATULATIONS sa masisipag na opisyal at operatiba ng Bureau of Customs (BoC) Enforcement and Intelligence Group sa pangunguna nina Deputy Commissioners Ariel Nepomuceno at Intelligence Group (IG) chief, Jessie Dellosa.
Magkasunod na araw nitong nakaraang linggo nang iharap sa mga mamamahayag ni DepComm. Nepomuceno ang mga nasakoteng 14 luxury cars sa Port of Batangas kasama si Special Assistant to the Deputy Commissioner for Enforcement Group Jervy Maglunod.
Kabilang sa 14 na luxury cars ang 1 unit McLaren 450C, 1 unit Land Rover LR2, 2 units Land Rover Defender 90, 2 units Mercedez Benz C200, 2 units Mercedez Benz GLK350, 1 unit Toyota Prado, 1 unit 2015 Ferrari California, at 4 units Toyota Landcruiser GX.
‘Yang mga sasakyan daw na ‘yan ay mula sa United Arab Emirates, Japan at Hong Kong.
Matagal nang putok na putok ang pangalan ng broker ng mga luxury vehicles na ito na isang alyas Belinda Dela Cruz.
Kaya naman marami ang natutuwa dahil nasampolan na rin ang isa sa mga trabaho-palusot niya.
Naniniwala tayo na sa ilalim ng pamumuno ni DepComm. Nepomuceno at Dellosa, ay magkasunod-sunod na ang pagtimbog sa mga palusot na ‘yan sa BoC.
Nang sumunod na araw naman, muling nakasabat ang mga operatiba ng Bureau of Customs IG ni DepComm. Jessie Dellosa ng 15 forty-footer container na naglalaman naman ng ilegal na kargamentong asukal na tinatayang nagkakahalaga ng P46.5-milyones.
Nakapangalan ang nasabing kargamento sa Blue Chelsea Enterprises. Lahat ‘yan ay mula sa China na nasabat sa Manila International Container Port (MICP).
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com