Thursday , December 8 2022

Ang galing talaga ng NBI!

00 parehas jimmyUMAARANGKADA at umaatikabo ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pamumuno ni Director Atty. Virgilio Mendez laban sa malalaking sindikato gaya ng kidnap for ransom at ipinakita pa mismo ni Director Mendez sa media ang modus at baril n ito.

Tiyak na napilayan nang malaki ang kidnap for ransom gang. Patuloy pang tinutugis ng NBI ang iba pang miyembro nito.

Nasakote rin ang P50M scam ng mga uling sa Baguio ng NBI operatives sa pangunguna ni NBI Regional Director Romulo Asis. ‘Yan ang resulta ng magandang liderato sa NBI ngayon.

Keep up the good work!

Ang laban ninyo ay laban ko rin basta’t sa tamang pamamaraan.

God bless us all.

Reklamador na customs official

Nagrereklamo rang isang Customs official na alias Dance sa pagtaas ng tax ng consolidation (door-to-door). Bakit hindi muna kayo sumunod kay BOC Comm. Bert Lina? ‘Di ba collection ang kailangan ng bureau?

Comm. Bert Lina, kapag ayaw sumunod ‘e di palitan at itapon agad sa CPRO ‘di ba!?

Maging mapagkumbaba lang tayo

May ilang INC sa Bureau of Customs na maangas. Dapat kapag inilagay kayo riyan sa BOC ‘wag na kayo mag-ingay. Pati mga umiikot sa customs maangas din.

‘Wag gano’n ‘tol.

Huwag ninyo sirain ang INC. ‘Yun mga kaibigan nating INC sa NBI, mga general sa PNP at AFP di naman ganyan umasta.

Sa Customs nga, may  pamangkin si Ka Eduardo Manalo, pero hindi mo man lang makitaan ng pagyayabang ang aking kaibigan na si Tim Danao  at nasirang ama na si Col. Virgilio Danao.

May kasabihan na people don’t know their power.

Tandaan ninyo ito, let love be your highest goal.

At ito pa, no matter how educated, talented, rich or cool you believe you are, is how you treat people ultimately tells all. Integrity is everything.

Bantayan ang mga ‘trabaho’ ni Egay sa Customs!

Ito na ang mga trabaho ni alias EGAY na puro malaking undervalue, misclassification, over-quantity.

Attention Evangeline Morales!

Ang mga consignee ay Greenbucks Enterprises, Shimazu Surplus Center, Storm Blast Trading, Golden Shade Trading.

Ang tindi ng smuggling ni alias EGAY ngayon mula nang kumalas kay Manny Santos.

Ito pa ang mga consignee ni alias Ramuy Gonzales na dapat tutukan ng Customs: Q188 Inc., Sea 88 Inc., at Summerwind Enterprise.

Ganoon din si alias Alfonso Ubson na Bataan 2020 Inc., ang gamit na consignee.

Puro umano technical smuggling ang lakad ng mga ‘yan!

***

Isang alyas Belinda dela Cruz, na kamakailan lang ay nasakote ng BOC-EG, ang luxury cars gamit ang isang importer na Esguerra sa Port of Batangas.

Dapat masampahan na agad ng kaso sa DOJ.

***

Ano itong balita na kinakamkam na ng accountant ni Sammy na si Dolly ang farm niya na 5 hectares sa Cavite na naglalaman ng honey bee, gulayan, bakahan, babuyan at fishpond.

Lahat ay kinuha na ni Dolly at tatay pa raw nito ang nagme-maintain. Kawawang Sammy, siya ang nagtanim pero iba ang umani.

Grabe na ito!

***

Alam ninyo nakausap ko ang dating BOC Commissioner Lito Alvarez at pinabulaanan n’ya na may kinalaman siya sa  nangyaring reshuffle sa BOC.

Sabi niya, “Jimmy lahat ng dati kong tao na CPRO na. ‘Di ko nga kilala ang mga bagong nakaposisyon kahit masalubong ko sila, pangalawa ‘di na niya nasubaybayan ang BOC dahil na-promote na siya bilang Senior Vice President ng PAL  for corporate planning in business development at the same time executive assistant  to the PAL president.

Oo nga naman, sa bigat ng responsibilidad ni Alvarez sa PAL, e may panahon pa ba siya sa Customs?

Good luck Sir Tony!

About Jimmy Salgado

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Rabies, isda, at bakuna

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. LABINLIMANG TAON na ang nakalipas nang, sa bisa ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Alulong ng mga detractors ni IG Triambulo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MISTULANG mga lobo na umuungol tuwing kabilugan ng buwan ang iilang …

Dragon Lady Amor Virata

Balik normal ang mga mandurukot

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SOBRANG GUTOM na nararanasan ng tao ngayon sa ating …

Sipat Mat Vicencio

Si Imee sa Maynila sa 2025

SIPATni Mat Vicencio MALAMANG na magbago ang mukha ng politika sa Maynila kung tuluyang hindi …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors pinalayas sa puwesto kapalit ng pay parking slot ng mga motorsiklo

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng maraming vendors dito sa Maynila matapos silang palayasin …

Leave a Reply