Tuesday , February 27 2024

On The Wings of Love, may kakaibang approach

080515  james nadine jadine

00 SHOWBIZ ms mTOTOO namang hindi mapasusubalian ang kaguwapuhan ni James Reid. Kitang-kita na ito nang una siyang masilip sa Pinoy Big Brothers Teen Clash 2010. Muli itong masisilayan sa pinakabago niya at kauna-unahang teleserye sa ABS-CBN2, ang On The Wings Of Love kasama si Nadine Lustre.

Ayon sa mga nanood ng advance screening nito, kitang-kita raw ang sobrang kaguwapuhan ng actor sa teleseryeng ito kaya naman tiyak na marami ang kikiligin bukod pa sa maganda ang kuwento nito ukol sa pamilya, pangarap, at pag-ibig.

Mapapanood na ang On The Wings of Love simula sa Lunes (Agosto 10).

Bibigyang buhay ni Nadine ang karakter ni Leah, isang dalagang puno ng pangarap na nais makarating ng Amerika para makatulong sa kanyang pamilya. Gagampanan naman ni James ang papel ni Clark, isang binata na lumaki sa Amerika na nais bigyan ng magandang buhay ang mga kapatid na nasa Pilipinas matapos mamatay ang kanilang ina.

Sa pagtupad ng kanyang American dream, haharapin ni Leah ang isang malaking problema dahil sa nalalapit na pag-expire ng kanyang visa. Upang manatili sa bansang kanyang pinapangarap, makikipagkasundo si Leah sa American citizen na si Clark para magpakasal kapalit ng perang kinakailangan nito.

Sa isang linggong ipinanood, lalong pinahanga nina direk Antoinette Jadaone at Jojo Saguin ang viewers dahil sa kakaibang approach nito. Kaya huwag kaligtaang tutukan ang On the Wings of Love na binubuo rin ng iba pang pinakahinahangaang aktor sa industriya kabilang sina Joel Torre, Bianca Manalo, Albie Casino, Nanette Inventor, Nico Antonio, Jason Francisco, Nhikzy Calma, Andrei Garcia, Laiza Comia, at Cherry Pie Picache. Kasama rin sina Isay Alvarez at Katya Santos para sa kanilang espesyal na pagganap.

Ang On the Wings of Love ay sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez focus sa pagiging ina kina Reece at Sapphire,  tuloy pa rin as vlogger/influencer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MARAMI ang nagulat nang naghiwalay nang landas sina Zara Lopez …

Nadine Lustre

Nadine patok ang pa-two piece habang nakahiga sa kama

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media ang larawang ipinost ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account. Isang black …

Lolit Solis Kathniel

Lolit pinayuhan KathNiel fans mag-move on kasabay ng kanilang mga idolo

MA at PAni Rommel Placente AWARE si Lolit Solis na hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on …

Janice de Belen Snooky Serna Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Janice kay Gabby—Wala akong galit, we’re friends; Sharon nag-sorry

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Janice de Bellen sa YouTube channel ni Snooky Serna ay binalikan …

Take Me to Banaue Slay Zone After All

Sparkle artists hataw ngayong Pebrero

RATED Rni Rommel Gonzales SA big screen naman nagpapamalas ng galing sa pag-arte ang mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *