1602 lubog na pulis-bagman nag-tandem na sa Maynila!
Usap-usapan na sa Manila Police District (MPD) na mas matindi na ang operation ngayon sa illegal na sugal ng mag-tandem na lubog na pulis na sina TATA PAKNOY at isang P.O.TRES TATA BER NABAROG sa mga hindi nila ka-rancho.
Imbes sugpuin ng dalawang lespu-bagman ang mga ilegal na sugal sa Maynila ay kabaliktaran ang kanilang ‘lakad.’
Ang siste, hindi pa nakontento ang tarantadong TATA PAKNOY sa mga hawak niyang butas ng bookies, lotteng at STL cum jueteng at mga butas ni TATA BER na nakapayong din sa kanya kaya pati latag ng bookies ng kanilang kumpare na si PACIA ay kanilang binuburaot!
Panay nga ang patrabaho/pahuli ng dalawang kamote sa mga butas ni Pacia para sila na ang maglalatag sa mga area na hawak nito.
Nag-tandem na nga ang dalawang pulis scalawag sa pagpaparami ng kanilang butas sa Kamaynilaan.
Sonabagan!!!
PNP-NCRPO RD Gen. Joel Pagdilao,marami na hong umupong hepe ng NCRPO pero sad to say hindi nila napahinto ang mga illegal activities nina Tata Paknoy at Tata Ber.
Sa inyong administrasyon kaya General Pagdilao, ay mawakasan na ang 1602 operation ng dalawang kumag!?
Aabangan namin ‘yan!
[divider]
