Wednesday , May 29 2024

Dindin, kaya ring rumampa nang sexy at makipagsabayan kay Rachel!

080415 Dindin Santiago daquis

00 SHOWBIZ ms mIPINAKILALA kahapon ng PLDT Home ang mga volleyball superstar na siyang mukha ng bago nilang ultra fun o ang mga brand new ambassador ng Ultra fast LTE brand, ang PLDT Home Ultera.

Ang mga brand ambassador ay kinabibilangan ng mga talented at fun loving volleyball players na sina Alyssa Valdez, Jaja at Dindin Santiago, Rachel Daquis, Ara Galang, Mika Reyes, John Vic De Guzman, at Peter Torres.

“I am so excited to officially represent PLDT Home Ultera,”ani Valdez . ”I’m the type of person who goes all out in everything I do not just in court, but also at home with family and friends. I value moments where I can stay home and have fun with my three brothers and PLDT Home Ultera lets us siblings go all out with movie marathons and video game play-off.”

Si Valdez ay isa sa country’s top volleybelles, UAAP 77 MVP, at Shakey’s V-League 2015 Conference MVP.

080415 pldt ultera volleyball

Kasama rin bilang ambassadress ang tinaguriang “ Twin Tower “ na sina Dindin at Jaja, na mayroon ding impressive titles mula sa Shakey’s V-League 2015. Magkakaibigan sina Valdez , Jaja, at Dindin kahit may asawa na ang huli ay lagi pa rin silang nagkikita-kita at nama-maximise ang bonding moments sa tulong ng PLDT Home Ultera.

Sa kabilang banda, natanong sina Valdez, Jaja, at Dindin kung kaya ba nilang gawin o makipagsabayan sa ginawang pagrampa ni Philippine Super Liga 2015 Finals MVP na si Rachel sa katatapos na FHM 100 Sexiest Women 2015.

Ani Valdez , kaya naman daw niyang gawin iyon. Samantalang si Dindin, bagamat may asawa na’y buong taong na sinabing kaya rin niyang rumampa ng sexy at makipagsabayan kay Rachel.

Sakto lang naman ang sagot ni Jaja ukol sa ginawang pagrampa ng no. 8 FHM 100 Sexiest Women 2015.

“This power roster represents what PLDT Home Ultera is all about,” sambit naman ni PLDT VP Home Marketing Head Gary Dujali. ”Each of them has gone all out in volleyball, rising to excellence through hard work and dedication. Now we’re showing a side of them that goes all out at home with family and friends. The Ultera lifestyle is about going all out in anything you do and we aplly that mantra to our home-based Internet connection. When it comes to the Internet, some thing that WiFi hotsports and Internet cafes are as good as it gets. But PLDT Home Ultera offers ultra-fast LTE connection and affordable broadband to enable all-out fun at home so you don’t settle for anything else. Our Ultera barkada family embodies this message perfectly.”

Ang PLDT Ultera ay naghahatid ng Ultra-Fast LTE para sa maligayang pamilya na may internet speeds ng 10 Mbps. Plan start at P999 a month.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Diwata

Diwata ayaw magseryoso sa lalaki — baka mawalan ako ng puhunan, maubos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAYONG-MALAYO na talaga ang naabot ni Diwata mula sa pagiging walang-wala ngayo’y …

Carlo J Caparas

Direk Carlo pumanaw sa edad 80

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang batikang Comics King, novelist, writer, at director na si Carlo …

tiktok

Mga artista naisasantabi dahil sa mga Tiktokerist 

I-FLEXni Jun Nardo PISTA ng Holy Trinity kahapon sa lugar namin sa Balic-Balic, Sampaloc. Kaya …

blind item woman man

Television/event host gigil sa baho ng male starlet

HATAWANni Ed de Leon MAY isang television at event host na pilit kaming pinaaamin kung …

Leo Dominguez Ogie Alcasid

Manager ni Ogie na si Leo Dominguez namaalam na rin

NAUNA lang ng isang araw kay direk Carlo Caparas, namatay naman ang talent manager na si Leo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *