Ang Zodiac Mo (August 04, 2015)

00 zodiacAries (April 18-May 13) Batid mo nang eksakto kung ano ang pinagdadaanan ng iyong kaibigan. Kailangan niya ang iyong suporta.

Taurus (May 13-June 21) Nitong nakaraan, mistulang hindi pamilyar ang bawa’t bagay. Ngayon, nasasanay ka na sa mga ito.

Gemini (June 21-July 20) Ikaw ang mangunguna sa game. Kikilalanin ka ng bawa’t isa sa kalaunan.

Cancer (July 20-Aug. 10) Hindi mo kailangang magpaliwanag. Batid nilang mayroon kang magandang dahilan.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ang iyong nararamdaman ay wasto lamang. Ang bawa’t isa ay nakikisimpatya sa iyo.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Huwag itatago ang iyong mga ideya sa iba. Magagamit nila ito bilang inspirasyon.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Kinokontak mo halos ang lahat maliban na lamang sa isang taong dapat mong kausapin.

Scorpio (Nov. 23-29) Panahon na para ilatag ang iyong cards sa mesa. Hayaang mabatid nila kung saan ka nagmula.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Pakiramdam mo parang nagmula ka sa malayong paglalakbay. Ang bawa’t isa ay nararapat kang salubungin.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Malabo ang motibasyon ng isang tao. Maaaring tingnan mo na lamang ito sa face value.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang conversation ay maaaring tumagal magpakailanman. Mainam na tapusin na ito.

Pisces (March 11-April 18) Walang dahilan para sayangin ang iyong panahon sa argumentong hindi ka naman magwawagi.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Sumulong na lamang. Sanay ka na sa pagtitiwala sa iyong intuitive side, at ngayon ay may higit na dahilan upang isagawa ito.

ni Lady Dee