Tuesday , December 6 2022

Panaginip mo, Interpret ko: Hiwalay na misis napanaginipan

00 PanaginipDear Señor H,

Ano po b ang ibig sbhin pg napaniginipan mo yung dati mong asawa. Hiwalay n po kmi. 38 yrs. na po ako, noong una po ay mahal n mahal ko po sya pero s tgal n nming hiwlay prang nwala n dn po ung pagmamahal ko sa knya bnling ko n lng po s anak nmin dose anyos n po ngaun tga-tundo po ako hanggang ngayon po ay single p dn tago nyo n lng po ako s pangalang Mr. Gemini. Maraming slamat po sa inyo n more power po s column nyo. Huwag na lng po ilagay no. ko basta malaman ko lang kahulugan ng pnagnip ko.

To Mr. Gemini,

Ang bungang-tulog hinggil sa iyong ex-wife ay maaaring nagpapaalala sa iyo ng mga nakalipas na bagay na hindi magaganda na nangyari sa inyo noong kayo pa. Posible rin naman na kung may kasalukuyan kang karelasyon ay nagkakaroon kayo ng misunderstanding o problema, kaya lumalabas na nagkakaroon ng comparison sa ex mo at sa kasalukuyan mong karelasyon. Nagpapahiwatig din ang bungang tulog mo ng kawalan o kakulangan ng pakikipagkomunikasyon. Maaari rin na nagsasabi ito na nawala ang ilang aspeto ng iyong pagkatao o pakiramdam. Posible rin naman na naghahanap na rin ang iyong subconscious ng inspirasyon o babaeng mamahalin, sakaling wala ka pang karelasyon o GF, kaya naging ganito ang takbo ng iyong panaginip. Kung anuman, tama ang ginawa mong pagkalinga sa inyong anak. Laging mag-isip ng positibo at iwaksi ang mga bagay na lalong magbibigay ng bigat sa iyong dibdib. Hintayin ang iyong good karma at laging manalig sa Diyos. Good luck sa iyo at sa iyong pamilya.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Pamimigat at pangangapal ng mga kamay at mga daliri tanggal sa Krystall Herbal Oil at Krystall Vitamins B1B6

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Problema ko …

My Ninong, My Ninang Christmas Promo ng PalawanPay Palawan Pawnshop

“My Ninong, My Ninang”  Christmas Promo ng PalawanPay

MABUTING balita mga suki! Mas pinagaan at mas pinabilis ng Palawan Pawnshop Group ang transaksiyon …

SM, BDO treat families of OFWs through Pamaskong Handog 2022 Feat

BDO at SM Supermalls, may pamaskong handog para sa mga OFW

Nagbabalik ang Pamaskong Handog events ng SM Supermalls at BDO upang maghatid ng saya at …

Viva Botejyu Grand Canal Mall

Viva may bagong resto sa Grand Canal Mall 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON, basta napasyal kami sa Grand Canal Mall, may mapupuntahan na …

Dr Art Cruzada Ate Gay Queen Eva Salon

Ate Gay bibigyan ng Queen Eva Salon franchise ni Dr Art

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BONGGA talaga si Dr Arthur Cruzada, may-ari ng Queen Eva Salon …

Leave a Reply