Wednesday , February 28 2024

Marc Cubales, patuloy ang charity works sa Montalban, Rizal

080315 Marc cubales

00 Alam mo na NonieLAGING aktibo pa rin si Marc Cubales sa pagtulong sa mga nangangailangan. Kamakailan lang ay nagkaroon sila ng feeding program sa Montalban.

Ayon kay Marc, masaya siyang maging parte ng Rotary Club dahil pareho sila ng layunin, ang makatulong sa mga tao.

“It’s a joint program ng PNP at Rotary Clu dito sa Montalban headed by our president Dan Nocon. Two months pa lang akong active sa Rotary and I don’t hold any position at all, bale regular member lang ako. I realize na this group of people is fun to be with, halo-halong tao with the same goal, ang makatulong sa abot ng makakaya,” esplika ni Marc.

Pagdating naman sa kanyang pagsabak sa politika, sinabi ni Marc na natutuwa siya dahil full support ang kanyang pamilya sa adhikain niyang ito. Pero nilinaw niyang hindi pa sure kung kakandidato siyang Konsehal sa susunod na eleksiyon.

“While I’m still thinking and a bit confuse kung tatakbo talaga ako this coming election, I decided to cut off temporarily, my connections with politics. Fifty-fifty pa rin talaga kahit na may nag-alok na sa akin to joined their team. Alam ko naman na maraming susuporta sa akin sa kung ano ang desisyon ko specially now that my clan from UK will help me with whatever decision I prefer.

“So who knows, I will run this year while preparing to finally finish an album. Ganoon ka-supportive ngayon ang family and friends ko sa akin. Siguro nga they do miss me dahil nanahimik din talaga ako and I did enjoy the last three years with holidays and party. But I’m getting old so, iba na siguro yung Marc na makikita nila ngayon,” nakangiting saad pa niya.

Si Marc ay dating model na lumaki sa Manchester, United Kingdom. Kilala siyang pilantropo at aktibo sa showbiz events.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …

Mutya Orquia Beaver Magtalas Rico Yan Claudine Barretto

Beaver at Mutya tinaguriang Rico Yan at Claudine ng kanilang henerasyon

ni Allan Sancon UNTI-UNTI na talagang gumagawa ng sariling pangalan sa showboz industry ang 18 …

Devon Seron

Devon no time for boys priority ang sarili

MATABILni John Fontanilla ZERO ang lovelife at no time for love ang motto ngayong 2024 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *