This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MUKHANG ‘di raw ganado sa kaniyang newly acquired post ang isang official ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Para kasing sa pakiramdam niya ay ‘nasaid’ na ang banga na pinagkukuhaan ng ‘pangkabuhayan’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung kaya’t pa-bondying-bondying na lamang ang nabanggit na opisyal and taking his duties and responsibilities at the airport lightly.
Kaya naman bilang bahagi ng pagha-handa ay nagsusubi na raw ang nasabing opisyal ng kaniyang ‘pabaon’ para ‘ika nga pagtakbo niya sa nalalapit na 2016 election bilang Mayor sa isang bayan sa Visaya.
Ganon!?
Umaasa rin si MIAA official na kukunin siya ng Partido Liberal.
Sa totoo lang, desmayado na raw ang naturang opisyal dahil ang pakiramdam niya ay ‘balagoong’ lagi ang papel na ginagampanan sa airport.
Ang feedback nga, mas matino pa umanong kausap ang kakandidatong airport official kaysa kaniyang bossing!?
He he he!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com