Nagpapakilalang bagman ni NCRPO OIC C/Supt. Allen Bantolo nagpipiyesta na sa kolek-tong

allen bantoloKARERETIRO pa lamang ni C/Supt. Carmelo Valmoria bilang NCRPO chief ‘e parang mga ‘asong ulol’ na nagsipagwala na ang mga nagpapakilalang ‘BAGMAN’ raw sila ni officer-in-charge C/Supt. Allen Bantolo.

Ang pagpipiyesta nga raw ng mga nagpapakilalang ‘BAGMAN’ ay parang itsura ng “WHO let the DOGS out!”

Talaga namang, parang naghulog daw ng bomba sa Pearl  Harbor kung umikot ang mga nagmamagaling na bagman na gaya ng isang Kernel Senense.

Pinaiikot umano ni Kernel Senense ang kanyang mga kolek-TONG na sina alyas Wally Nazareno, alyas Sgt. Sablay, alyas Gemini, alyas Virgo, alyas Pekenis at alyas Zyder. Lahat umano ‘yan ay iimbudo alyas Atty. Santos.

Hindi natin alam kung ‘yang si alyas Atty. Santos ay dumidiretso kay C/Supt. Bantolo.  

Mantakin ninyo, dinadaig pa ang ‘PAHIYAS’ kung magpiyesta sa pangongolektong ang mga kolek-tong ni NCRPO OIC C/Supt. Bantolo?!

C/Supt. Bantolo Sir, magtatanong lang po… totoo bang rumatsada na ng kolek-TONG ang mga nagpapakilalang ‘BAGMAN’ ng opisina ninyo?!

Pakisagot lang po!

O kung hindi naman, pakisuot ng HELMET at baka bukol-bukol ka na d’yan sa Bicutan!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com