This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
OVER the weekend, kapuna-puna ang sipag ng isang Airport Police na kinilalang si Corporal Panlilio habang sakay ng zegway, isang one stand electric scooter sa curb side area ng NAIA Terminal 3 queuing area.
Feeling ‘pogi’ nga raw ang dating ng matikas na Airport police na nagpaparoon at parito sa kahabaan ng nasabing lugar na minamanmanan. Kontodo bigay pa ng instructions sa mga security guard na nagsisilbing back-ups sa kanya sa pagbibigay ng police visibility ng lugar.
Kaya lang sa unahang bahagi ng queuing ay kapuna-punang may mga nakaparadang taksi.
Lagpas sa taxi unit na nasa unahan na tila ‘waiting for something.’ Ang sabi ng airport insiders, ang taksi na nauuna na medyo nakadistansiya sa nauunang taksi ay pang-long distance.
‘Yun bang pang-long trip na mangongontrata sa pasahero outside Metro Manila.
Siyempre iba ang presyo no’n!
Ang nakapila sa gawing likuran nito ay regular taxi driver na ‘nagbibigay’ ng toll fee na P20.
Ang tanong, kanino napupunta ang perang (P20) nakokolekta!?
Bakit parang ‘di yata nakikita ni Cpl. Panlilio ang nagaganap na ‘misteryo’ sa lugar na kaniyang pinangangasiwaan?
At bakit daw pati ang baguhang porter na nagbibigay ng serbisyo sa mga pasahero ay ‘pinakikialaman’ din ni Cpl. Panlilio?
Sinisita umano ni Cpl. Panlilio ang mga bagitong Porter gayong ito ay private service at wala sa kanyang pangangasiwa?
Ang sabi nga nila patungkol kay Cpl. Panlilio, “Your performance is good but we need clarification of works!”
Ano nga ba ang tawag sa ganitong style ni Kabo Panlilio!?
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com