Saturday , July 27 2024

Sandy, mas naging ina kay Ian; Nora, inisnab daw ang kasal ng anak

 

 

PINAG-UUSAPAN ngayon ang hindi pagdalo ng nag-iisang superstar na si Nora Aunor sa kasal ng kanyang anak na si Ian De Leon sa kabiyak nitong si Jennifer Orcine.

Halos kompleto ang pamilya pero wala si Matet De Leon dahil bagong panganak ito. Maiintindihan mo si Matet pero ang pagkawala ni Ate Guy ay question sa karamihan. Although ang dahilan ni Ate Guy ay maysakit ito at sumakit ang likod.

Nagkaroon tuloy ng opinion na mas naging ina pa si Sandy Andolong kaysa kay Nora na dumating sa importanteng okasyon ni Ian. Itinuring din kasi ni Sandy na sariling anak si Ian.

071815 ian de leon wedding

Nganga ang inabot ni Ian kay Nora. Hindi natupad ang wish ni Ian na makita na magkasama ang kanyang amang si Christopher De Leon at inang Nora.

Hindi napagbigyan ni Ate Guy ang pangarap na ‘yun ng nag-iisang biological son.

Nasilip tuloy na mabuti pa si Edgar Allan Guzman, nasuportahan ng superstar sa Resorts World para sa Your Face Sounds Familiar hitsurang nagmukha siyang fan pero natiis niya na hindi makadalo sa kasal ni Ian.

Pero si Ian hindi nag-isip ng kanegahan sa pagkawala ng ina. Nanatili siyang positibo.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *