Alyas Jack ‘D Russel exempted sa rotation ng BI!

Nasaan na pala ang sinasabing patas na pet project ni Bureau of Immigration (BI) Comm. Fred ‘simple misconduct’  Mison na nationwide rotation??

Ilang Immigration Head Supervisors ang nagrereklamo na ilang mga ACO (alien control officer) ang hindi pa rin nagagalaw kahit tinubuan na ng ugat sa pagkakapako sa kanilang pwesto/teritoryo.

Isa na rito ang isang alyas JACK ‘D RUSSEL na matagal nang nakapako riyan sa isang sub-port sa CALABARZON pero hanggang ngayon ay nananatili pa rin doon bunsod ng pagiging close-in alalay ‘este ally ng isang bossy-bossy diyan sa BI main office.

Para nga raw nabili na nitong si alyas Jack Russel ang puwesto nya?!

E magkano ‘este’ ano ang dahilan kaya?

Sabagay ikaw ba naman ang mag-sponsor umano ng pa-golf-golf at staycation galore ni ‘Mr. good cum bad guy” at jowawits n’ya sa kahit saang lugar ng Region 4 ‘e di natural na exempted ka na sa tapunan!?

Kaya ‘yang sinasabi nila na every 4 months iikot lahat ng empleyado ng Immigration, ‘e huwag kayo maniniwala!

Pusta, piso n’yo tamang isang daan ko kung makakasama nga sa rotation ‘yang si alyas JACK ‘D RUSSEL.

Hindi kaya ‘yan ang reward sa kanyang pag-broker sa isang malawak na Tagaytay farm na pag-aari umano ng isang Immigration  “Mr. good cum bad guy” official?

Anyway, applicable kaya kay alyas Jack ‘D Russel ang favourite quote ng isang Immigration official na: “When the oceans rise and thunders roar. I will rise with You above the storm.”

‘Yun na!!!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com