A Dyok A Day: Gatas ng ina

ISANG lalaking pasahero ang nagbabasa ng HATAW nang marinig na nagsalita ang isang nanay na nagpapadede ng anak.

MOMMY: Sige na baby, dumede ka na. Kapag hindi mo dinede ‘yan, ibibigay ko ‘yan sa mamang ka-tabi natin.

Limang minuto pa ang lumipas, hindi pa rin dumedede ang baby…

MOMMY: Sige na baby, dumede ka na. Sige ka, ibibigay ko na ito sa mamang katabi natin.

Pamaya-maya pa, sumigaw na ang hindi nakatiis na lalaki…

LALAKI: Oy baby, dalian mo na! Magdesisyon ka na, kanina pa ako dapat bumaba, apat na bus stop na ang nilampasan ko!