This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MAAGANG nagdeklara ang mga politiko sa Pasay City.
Marami ang dating nakatiket at kapartido sa Liberal Party ng kasalukuyang Pasay City Mayor Tony Calixto ang sinabing puma-kabilang bakod at nagdeklara ng suporta kay dating congressman, Dr. Lito Roxas.
Kung hindi tayo nagkakamali, unang-una nang pumakabilang-bakod mula sa Liberal Party sina Konsehal Richard at Ed Advincula, Jenny Roxas, Moti Arceo at Lex Ibay.
Nanatili si Vice Mayor Marlon Pesebre sa partidong kulay Violet gayondin ang mga konsehal na sina Grace Santos, Allan Panaligan at Bong Tolentino.
Itinaas pa ng negosyanteng si Joey Dy, asawa ni dating congresswoman Connie Dy, ang kamay ni Dr. Lito Roxas bilang pagpapahayag ng suporta.
Kilala naman natin manindigan si Madam Connie Dy, pero ang masasabi lang natin madugo at magastos kapag tinapatan ang isang incumbent gaya ni Mayor Tony Calixto.
Sa isang banda, kung tila nagpapahayag na ng suporta kay Roxas si VM Pesebre, mukhang lumalaki raw ang pag-asa ni Boyet del Rosario para makatiket kay Mayor Calixto bilang Vice Mayor.
By the way, ano ba ang standing ni Boyet del Rosario sa pagka-bise alkalde? Malakas dawβ¦malakas ang putok pero walang ingay!?
Sa partido ni Mayor Calixto, wala pa tayong naririnig⦠tahimik na tahimik lang sila.
Anyway, ang masasabi lang natin, may the best man win.
Good luck na lang sa inyo.
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com