This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
UMIKOT, pinag-usapan at trending sa social media ang groupie photos ng ilang ‘pribilehiyadong’ co-terminus at organic employees sa Bureau of Immigration (BI) na haping-hapi sa kanilang isang weekend get-away sa isang vast farm (malawak na lupain) sa Tagaytay City.
Kabilang yata sa groupie photo ang BI spokesperson na si Atty. Elaine Tan at ang hepe (?) umano ng cluster of technical assistants (CTAs) na si sulsoltant ‘este’ consultant Paul Chua, ang kilalang-kilala sa nasabing groupie picture.
Marami pa silang kasama pero hindi na interesado ang Immigration employees and officials sa kung sino-sino ang mga iyon…
Mas interesado silang malaman kung SINO ba ang tunay na nagmamay-ari ng isang malawak na lupain sa isang tourist destination in a beautiful city like Tagaytay.
Sabi nga, ‘winner’ ang may-ari ng nasabing “vast farm” dahil pwedeng-pwede nang maging weekend get-away na may pauwi pang prutas, gulay, and other farm-like loots, especially livestock or poultry products.
Walastik! Talaga naman!
When it rains, it pours!
By the way, ito ba ‘yung “vast farm” na sinabing ‘inayos’ ng isang alyas Jack Russel para sa isang Immigration official?!
Attention Justice Secretary Leila De Lima,mukhang nabubukulan ka na ng isang tauhan mo!?
Pakibusisi at i-lifestyle check mo nga ‘yang Immigration ‘bad guy’ official na ‘yan!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com