This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
KONTING raid, lipat-NBI (National Bureau of Investigation) mula sa Bilibid ng makukuwartang convicted sa kaso ng illegal-drug, tapos raid pa ulit presto MALINIS na raw ang National Bilibid Prison (NBP).
‘Yan ang pronouncement ni Justice Secretary Leila De Lima nitong nakaraang linggo.
Drug free na raw ang ating pambansang piitan?!
What the fact!
Aba ‘e hindi yata naiintindihan ni Madam Leila ang mga sinasabi niya?!
Mantakin ninyo, sa ‘lalim’ ng ugat ng mga gawaing ilegal diyan, ganoon lang kabilis nalinis ni Madam Leila ang Bilibid?!
Weee, hindi nga?!
Pero mukhang praise ‘este press release lang ‘yan Madam.
Hindi ko alam kung press release ninyo o press release ng mga tao mo riyan sa Bilibid para ma-good shot sila sa iyo.
S’yempre kapag good shot na sila, pwede na namang mamayagpag ang mga dating operasyon ng kailegalan.
Subukan kayang mag-surprise visit ni Madam Leila sa Bilibid sa disoras ng gabi o kaya ay tuwing araw ng conjugal visit?!
O utusan mo kaya si bodyguard na magmanman diyan!
Tiyak ‘yun, malalaman niya ang katotohanan na parang sampal sa mukha n’ya!
Madam Leila, ibubulong ko lang sa iyo, mula sa very reliable source, tuloy pa rin ang operasyon ng ilegal na droga sa loob ng Bilibid.
Tuloy ang drug-ops, kasabay nang walang kamatayang prostitusyon at hindi pa rin tuluyang nagiba ang VIP kubol system.
Tuwing ay conjugal visit, mayroong mga tunay na asawa, pero mas marami pa ang mga pokpok na pinapapasok sa Bilibid.
Mga nagkukunwaring asawa, pero sa totoo lang, mga pokpok sila.
Mukhang kailangan na talagang ilipat ang buong Bilibid kasama ang mga preso upang tuluyang mawasak ang iba’t ibang uri ng sindikato…
Higpitan mo ang pagmamanman, hindi puro pasiklab lang, Madam Leila!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com