Ang Zodiac Mo (July 09, 2015)

00 zodiacAries (April 18-May 13) Biglang nawalan ng limitasyon ang mga opsyon. Kung gaano karami ang pagpipilian, ganoon din kahirap pumili.

Taurus (May 13-June 21) Hindi ikaw ang dapat magresolba sa problemang ito, ngunit walang dahilan upang hindi ka kumilos para rito.

Gemini (June 21-July 20) Hinihila ka sa dalawang direksyon ng mga obligasyon. Kailangan mo ngayong pumili sa mga ito.

Cancer (July 20-Aug. 10) Huwag magmadali, magdahan-dahan upang makasigurado. Huwag bibilisan ang pagdedesiyon.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Maaaring mainis ka sa nagging details. Gayonman, hindi mo ito maaaring balewalain.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Hindi malalaman ng iba kung ano ang iyong nais kung hindi mo lilinawin ang iyong mga intensyon.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Minsan, ikaw ang nagiging star. Ngunit ngayon, maaaring makuntento ka na lamang bilang extra.

Scorpio (Nov. 23-29) Lumalabas na ang nawawalang mga piraso ng puzzle. Huwag sumuko.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Mabuti ang pagpapatawad. Mainam ang paglimot. Ngunit huwag mong hahayaang muli kang matapakan.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ituon ang pansin. Naka-focus ka sa mga detalye at hindi nakikita ang larger point.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Dapat mahiya ang mga taong iginigiit na dapat kang ma-guilty. Huwag silang pansinin.

Pisces (March 11-April 18) Walang makakikita sa iyo hangga’t hindi ka lumalabas sa liwanag. Magiging maganda ang iyong pakiramdam doon.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Pakiramdam mo’y matamlay ka ngayon, bagama’t positibo ang iyong enerhiya.

ni Lady Dee