This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MAYROON ba talagang kakayahan ang Philippine Coast Guards na nakatalaga sa El Nido, Palawan sa tungkulin nilang mangalaga sa kaligtasan ng mamamayan at mga turista habang inaalala ang epekto nito sa turismo?!
Itinatanong po natin itro dahil sa naobserbahan ng ilang kaanak natin nang sila ay magtungo sa El Nido nitong nakaraang weekend.
Nakaalarma nga ang buong bansa sa mga sama ng panahon dahil bukod sa bagyong Egay na nasa Philippine Area of Responsibilities (PAR) na ay mayroon bang tatlong sama ng panahon sa Pacific Ocean.
Pero maraming turista, lokal at dayuhan ang nairita sa ginawang overacting na pag-aalala ng mga taga-PCG.
Nitong nakaraang Sabado, maraming naka-schedule para sa island hopping sa El Nido pero kinansela ng mga nakatalagang PCG doon.
Nagtaka ang mga turista at maging mga bangkero kung bakit?
Wala naman kasing ulan at maganda ang sikat ng araw, kaya nagtataka sila kung bakit kailangan ikansela ang island hopping.
Muntik na ngang maumay ‘yung kaanak natin sa kapa-fu – – – – – shit ng mga puti.
Kasi nga naman, hindi sila magtatagal doon lalo na ‘yung local tourists, weekend getaway nga lang through island hopping, napalpak pa?!
Okey naman na magsigurado ang PCG para sa kaligtasan ng mga island hoppers pero pwede bang huwag naman overacting?!
‘E mismong mga bangkero ang nagsasabi na maganda ang panahon.
E bakit ‘yung MB Nirvana na halos 200 pala ang pasahero at mayroon pang mga sako ng semento at bigas, pinayagan lumayag? Dahil may gay-la?!
Simple lang ang sinasabi natin, ayusin ang kredebilidad para hindi nagdududa ang sambayanan…
By the way, isama ninyo sa kakasuhan ng multiple murder ‘yung kagawad ng PCG na nag-inspeksiyon at nagpaalis sa MB Nirvana para pumalaot!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com