Friday , November 26 2021

Misis ni LPGMA party-list representative Arnel Ty bistado  sa ‘illegal refilling’

arnel tyNABISTO ang raket ng misis ni Rep. Arnel Ty na si Marie Antoniette Ty na illegal refilling ng liquefied petroleum gas (LPG) nang salakayin ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang ‘refilling station’ sa Laguna.

Nasa aktong inire-repair at pinipinturahan ng mga tauhan ni Ty ang mga lumang cylinder ng isang kilalang LPG brand para palitan ito ng Republic Gas Corp. (REGASCO).

Sinalakay ang nasabing lugar base sa infringement case na inihain ng Petron at Shell.

Hindi ito ang unang pagkakataon na inireklamo ang mga Ty sa nasabing ‘illegal refilling.’

Noong 2005 ay inireklamo rin si Ty at ang apat na director ng Omni Gas Corp., sa kagaya ring kaso.

What the fact?!

Kung laging nasasangkot sa ganitong iregularidad ang mag-asawang Ty, dapat sigurong kuwestiyonin ang kanyang pagnanais na maging kinatawan ng LPGMA.

Bakit ba ninais ni Ty na maging kinatawan ng LPGMA sa Kamara?

Dahil ba sa pansariling interes?

Alam natin na tayong lahat ay may pinangangalagaang interes, pero kung papasok sa serbisyo publiko, dapat mauna ang kapakanan ng sambayanan.

Ngayon, klarong-klaro na ng mamamayang Filipino kung ano ang tunay na motibo ni Ty sa pagpasok sa politika…

ALAM n’yo na kung ano ang gagawin ninyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Maam Evelyn 2

A heartfelt message for JSY

Before I start, I am speaking on behalf of my mom from her perspective, in …

Sir Jerry Yap JSY Gloria Galuno Mommy Glo

Memories with JSY

“LET us always find opportunities to be with the people we value the most. Life …

Jerry Yap, JSY, Hataw

Maraming salamat, JSY!

HARD-HITTING columnist, isa sa pinakamahusay na boss at leader, mabait na kaibigan, kapatid, ama, padre …

Bureau of Immigration

Pagbubukas ng turismo pinaghahandaan na ng BI

BULABUGINni Jerry Yap NAGHAHANDA na ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) sa pagbubukas ng …

Jaime Morente Bureau of Immigration

‘Bogus’ na intel agent/s binalaan ni Morente

BULABUGINni Jerry Yap NAGBABALA si Commissioner Jaime Morente tungkol sa mga nagpapakilalang ahente o awtoridad …

Leave a Reply