This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAKA-SEGWAY na naman ang isang party-list representative, makasawsaw lang at maisabit lang ang sarili sa hanay ng presidentiables.
Si Senator Grace Poe raw po ay magiging on-the-job trainee (OJT) na presidente, sakaling makalusot sa May 09, 2016 elections.
Nakapahusay naman humusga ng representative ng isang religious party-list!?
‘E ano palang tawag mo sa dating presidente na si Madam Cory Aquino?!
Hindi rin ekspersiyensiyado at sabi nga ay isang biyudang maybahay.
Sa ganang atin, mas pipiliin natin ang tinaguriang OJT kaysa eksperto…
Eksperto sa pandarambong.
‘Di bale nang tila OJT, pero wagas at tapat naman sa kanyang paglilingkod sa bayan.
Kaysa naman eksperto pero lagi tayong niloloko…
‘Di ba mga suki?!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com