Thursday , December 2 2021

Namamalengke lang ba si VP Jojo Binay sa 3 palengkeng pinuntahan?!

binay palengkeINSEKYUR ba si Vice President Jejomar Binay kay Secretary Mar Roxas at kinakailangan na ipadama niya sa publiko ang pangangarag niya para sa May 09, 2016 elections?!

Naitatanong natin ito, dahil ang paboritong puntahan ngayon ni VP Binay sa kanyang mga pag-iikot ay malalaking palengke sa bawat bayan.

Bakit palengke ang kanyang pinupuntahan?

Gayong ang presidentiable ng Liberal Palengke ay minsang kinilalang Mr. Palengke?

Ay ibang klase!

Itinanggi rin ni Binay na nangangampanya na siya para sa kanyang kandidatura.

Ay sus!

Paano itatanggi ang pag-iikot sa malalaking palengke sa tatlong bayan ng Rizal?!

Harap-harapan naman kung magsinungaling si VP Binay?!

Hindi ba’t namigay pa kayo ng wheelchair at iba pang goodies para matandaan kayo ng mga dinalaw ninyo?!

Nagdala ba kayo ng BINAY candies? ‘Yun bang may tatak na Makati City Halls?!

Okey for the benefit of the doubt… hindi nga siguro nangangampanya si VP Binay, baka namamalengke lang…

Namamalengke na ng boto!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Percy Lapid

True friendship lasts forever

MAGANDANG gabi po sa inyong lahat. Una ko pong nakilala si Jerry Yap, sa katotohanang …

Sir Jerry Yap JSY Rommel Sales

Maligaya na ang birthday ko, okey na si Rommel — JSY

MARAMING salamat, Sir JSY. Nabulabog mo kaming lahat, mga tauhan mo, pamilya, lahat ng nagmamahal …

Sir Jerry Yap JSY Dianne

JSY: The authentic Mr. Bulabugin until his death

GOOD evening, Everyone. My name is Diane, and I’m the daughter of Jerry Yap. I …

Sir Jerry Yap JSY Almar Danguilan Family

Thank you JSY for being big time suki of Gardenera

ni Almar Danguilan KUNG isa-isahin ang mga kabutihan na naibahagi ni Boss Jerry sa akin …

Sir Jerry Yap JSY Maam Evelyn 2

A heartfelt message for JSY

Before I start, I am speaking on behalf of my mom from her perspective, in …

Leave a Reply