Special Investment District itatayo ng Parañaque City para sa lalong paglago ng investment sa entertainment city

edwin olivarezDAHIL sa nakikitang pag-boom ng Entertainment City (none other done, Parañaque), naisipan ni Mayor Edwin Olivarez na itayo ang special investment district (SID) para sa kapakanan nang buong lungsod.

Sa pamamagitan umano ng SID, mapabibilis ang ang proseso ng mga transaksiyones kahit hindi na nila sadyain ang main city hall.

Sa huling tala, umabot na sa 20,000 ang business locators sa nasabing area na tinatayang P30 bilyones ang annual gross sales.

Ilan sa malalaking negosyong makikita sa lugar ang Solaire Resorts & Casino, City of Dreams Manila Resort, Manila Bay Resorts, Tiger Resort & Leisure and Entertainment, Resorts World Bayshore City na pagtatayuan umano ng Marriott, Sheraton, Hillton, and Weston Hotel.

Nagpapatayo na rin ang Ayala Land Inc., ng shopping mall na tinatayang mas malaki pa sa Mall of Asia.

Ayon kay Mayor Olivarez, lahat ng kikitaing buwis sa SID ay ilalaan sa mga batayang serbisyo gaya sa libreng health care, kalusugan at murang pabahay.

Mabuhay ka Mayor Olivarez!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com