Sen. Chiz Escudero bagman or hatchet man ni Sen. Grace Poe?

chiz graceTUMITINING ang mga bulungan sa coffee shops na nabubuo na raw ang alyansa nina Senators Chiz Escudero at Madam Grace Poe.

Hindi pa lang sigurado kung ang kanilang alyansa ay para sa pagta-tandem o magsisilbing ‘kingmaker’ si Chiz o political operator para kay Sen. Grace.

Pero ang definite raw, magkasama sila.

Depinidong hindi sa UNA. Pero mayroon pa rin nanghuhula na baka sa Liberal Party.

Kamakalawa, nagsalita si Sen. Tito Sotto, ang dalawa ay magsasama umano sa Nationalist People’s Coalition (NPC).

Kung totoo ito, malaki ba ang tsansa na magtagumpay ang pagsasama ng dalawa?!

Pero hanggang ngayon nanatili ang kuwestiyon, ano ang papel ni Sen. Chiz sa kandidatura ni Sen. Grace? Bagman, hatchet man o political operator?

Apat na buwan lamang, at maghahain na ng kani-kanilang kandidatura ang mga nagbabalak pumalaot  sa 2016…

Aabangan natin ang nakapananabik na politika-serye na ‘yan!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com