Thursday , June 25 2026

Robin, gagawa raw ng movie with Japanese porn star Maria Ozawa

 

UNCUT – Alex Brosas . 

061515 maria ozawa robin mariel

WALA palang alam si Mariel Rodriguez na gagawa ng movie ang asawa niyang si Robin Padilla with Japanese porn star Maria Ozawa.

“Actually, hindi ko siya talaga alam. And then hindi ko rin talaga alam ‘yun. Nakita ko lang sa Facebook. Sa social media ko lang nalaman,” say ni Mariel during a taping break for Happy Wife Happy Life.

“I didn’t bother to ask kasi hindi kasi naman siya gagawa ng porn,” dagdag pa ng maybahay ni Robin.

Naintriga kaagad si Mariel na siguradong magseselos siya kapag gumiling na ang camera para sa movie ni Robin with Maria.

“Hindi naman siguro maganda na ganoon ka mag-isip, eh,” sabi niya. Idinagdag pa ng TV host na wala nang selosang nangyayari sa kanila.

“I think we’re past that,” tugon niya when asked if she’s the jealous type.

Super happy si Mariel dahil sa magandang rapport nila nina LJ Moreno and Danica Sotto sa Happy Wife, Happy Life .

“Havey ako rito sa ginagawa kong ‘Happy Wife, Happy Life’. Lagi ko ngang sinasabi na isa ito sa pinaka-favorite show kong ginagawa, ganoon ko siya kagusto. It came in appoint na perfect siya for me. Ito ang tipo ng show that I really want to be part of. I, myself I am learning everyday. We get to touch people’s lives kahit maliit lang na factor. I feel so blessed na nakagagawa ako ng show na nase-share ko ‘yon.”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …