Mar Roxas ikaw na talaga sa 2016!

050815 mar roxasBUO na ang konsesyon ng Liberal Party at sabi nga ‘e mga haciendero at naghaharing-uri — si Mar Roxas na ang kanilang isusulong para sa 2016 elections.

Huwag po tayong maiinip dahil apat na buwan na lang, mag-uumpisa nang maghain ng kanilang mga kandidatura ang mga tatakbo sa 2016.

Mabilis na mabilis lang po ‘yan — mula Oktubre 12 hanggang Oktubre 16, 2015 ang filing ng candidacy.

Kaya malamang sa darating na Undas sa 2015, aarangkada na ang mga epalitiko.

Sabi nga ng nasa AB crowd, tiwala sila kay Mar dahil walang sabit.

Walang kinasasangkutang ano mang anomalya gaya ng tongpats, kickback o overpriced.

Kaya nagulat tayo nang mangarap si VP Jejomar Binay, na siya umano ang bet ni Pnoy.

Hello!? Kailan pa, Jojo?!

Anyway, malaking adbentaha ito para sa Liberal Party kung ngayon pa lang ay itinatakda na nila kung sino ang dadalhin nilang kandidato.

Kumbaga maaga pa lang ay handa na sila. Madali na ang adjustment kung magkakaroon man ng mga pagbabago.

Good luck, SILG Mar Roxas… hit the mark!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com