Proof of Life requirement sa mga “ini-destierro” na BI Intel Officers

balabacIsa pang sinabing pang-aabuso sa karapatang pantao ng mga ‘itinapon’ na Immigration intelligence officers sa iba’t ibang border crossing points sa bansa ay ‘yung inire-require sila at kinakailangan daw bumili ng bagong diyaryo (newspaper) araw-araw para sa selfie photo at i-post sa FB bilang patunay na naroon sa kanilang area of assignment.

‘Yun bang, parang kidnap-for-ransom na ang biktima ay pipiktyuran para sa proof of life sa pamilya upang magbayad ng ransom.

What the fact!?

At kung wala raw mabiling newspaper sa lugar, kailangan pumunta sa Municipal hall para upang doon mag-time in at time-out?!

SOJ Leila de Lima, ganyan na ba kalupit ang patakaran ngayon sa Bureau of Immigration?

Ito ba ang daang matuwid ni PNoy sa Bureau of Immigration!?

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com