Puwesto ni BI Commissioner Siegfred Mison target ng kaliwa na nasa Palasyo?!
MABIGAT ang akusasyon ni Bureau of Immigration (BI) spokesperson Atty. Elaine Tan na interesado umano ang isang cabinet secretary para kontrolin ang nasabing ahensiya.
Ayon kay Atty. Tan, “even if they won’t admit it, it is obvious that a leftist group within the Aquino administration was behind all these intrigues who wanted Mison out of the bureau.”
Hindi man tinukoy ni Atty. Tan ang pangalan ng nasabing Cabinet Secretary, pero marami ang naniniwala na ang tinutukoy niya ay si Presidential Adviser Ronald Llamas, isang prominenteng aktibista bago mahirang sa Gabinete ni PNoy.
Ayon pa umano kay Atty. Tan, target daw ng mga leftist sa Gabinete ni PNoy ang Bureau dahil maaari nilang gamitin ang resources nito sa darating na 2016 elections.
Aba, sa tono ng pananalita ni Atty. Tan ‘e parang private property na nila ang Immigration.
Para bang, ‘yang mga puwesto na ‘yan ‘e hindi na pwedeng mapunta sa iba at sa kanila na lang.
Tsk tsk tsk …
Palagay natin ‘e dapat magpaliwanag si Secretary Llamas sa akusasyon na ito ni Atty. Tan.
Totoo ba Secretary Llamas na gusto mong kopohin ang BI?!
Pakisagot na nga po!
[divider]
