This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
AKALA natin noong una, isa si Optical Media Board (OMB) Ronnie Ricketts sa mga opisyal ng gobyerno na masipag lang magtrabaho and no monkey business.
Pero OMG!!!
Ano itong inide-demand ni dating OMB chairman Edu Manzano na busisiin ang statement of assets, liabilities and networth (SALN) ni Chairman Ricketts dahil ibang-iba na raw ang kanyang lifestyle ngayon.
Ayon kay ex-Chairman Edu, taon-taon kung bumili ng bagong kotse si Ricketts.
Ang ginagawa raw na ito ni ex-chairman Edu ay tulong sa mga empleyado at opisyal na nadamay sa suspensiyon ni Ricketts.
Palagay natin, hindi lang SALN ang dapat imbestigahan kay Chairman Ricketts kundi ang kabuuan ng kanyang lifestyle.
Si Ricketts ang classic example ng kasabihan na “ang ilog na tahimik ay malalim.”
Ganyan umano katinik si Ricketts.
No wonder, nagkalat pa rin ang mga pinirata na DVD sa bansa natin. At bakit kaya medyo nanamlay ang OMB sa mga raid raid ‘kuno’ nila?
Paging Ombudsman Conchita Carpio-Morales!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com