It’s Joke Time: Sugar Free

00 JokeTanga 1: Ano bang hinahanap mo riyan sa supot ng 3-in-1 coffee.

Kanina ka pa silip nang silip di-yan.

Tanga 2: Hinahanap ko ‘yung libreng asukal.

Nakasulat kasi sa karton “SUGAR FREE.”

TAKOT SA CREMATION

ERAP: Tara na, Jinggoy. Alis na tayo!

JINGGOY: Kararating pa lang natin a!

ERAP: Naku mahirap nang maiwan. Basahin mo o: “REMAINS WILL BE CREMATED.”

NA-PUZZLE SA PUZZLE

JUAN: Pare, ang bilis kong nabuo ‘tong puzzle!

PEDRO: Talaga? Gaano kabilis?

JUAN: Five months!

PEDRO: Tagal naman!

JUAN: Tagal ba ‘yun? Nakalagay nga rito:

“For 3 years & up!

LIGAW NA PUSA

MISIS: Dear, iligaw mo nga itong pusa.

Nakasako na. Dalhin mo sa malayo!

MISTER: Ok!

MISIS: Bakit ka ginabi? Niligaw mo ba ang pusa?

MISTER: Bwisit na pusang ‘yan!

Kundi ko siya sinundan, ‘di ako nakauwi!