Wednesday , June 24 2026

Dennis, pinagbabawalan daw aminin ang relasyon kay Jen?

 

UNCUT – Alex Brosas.

010515 jennylyn mercado dennis trillo

UNTIL now ay ayaw pa ring aminin ni Dennis Trillo na back in each other’s loving arms sila ni Jennylyn Mercado.

Kahit marami nang naglabasang photo na magkasama ang dalawa sa iba’t ibang events, mostly sports event dahil pareho silang health buffs, ayaw pa ring kompirmahin ni Dennis na nagkabalikan na sila ni Jen.

Just recently, napaamin si Dennis ni Kris Aquino about the gift he gave to Jennylyn during his birthday. Talagang hindi tinantanan ni Kris si Dennis hangga’t hindi ito umaamin na may ibinigay siyang birthday gift sa aktres.

Although nahihiya pa noong una, inamin ni Dennis na binigyan nga niya ng regalo si Jen. Isang Apple watch at isang mountain bike ang gift ng actor sa dalagang ina.

Ito pala ang story behind Jennlyn’s post sa kanyang Instagram account ng Apple watch at isang mountain bike.

Marami ang naiintriga kung bakit ayaw pang umamin ng dalawa na couple na ulit sila. Ang hula ng marami ay mayroong nagbabawal sa kanila na aminin ang kanilang relasyon. Si Popoy Something na manager ni Dennis ang naiisip ng fans na siyang nagbabawal kay Dennis na umamin ng relasyon niya kay Jennylyn. Alam kasi nilang masyadong pakialamera itong si Popoy.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …