Thursday , December 2 2021

Chanel Latorre, mapapanood sa pelikulang Mabalasik

060115 Chanel Latorre

00 Alam mo na NonieGINAGAWA ngayon ni Chanel Latorre ang pelikulang Mabalasik na tinatampukan nina Rocco Nacino at Aljur Abrenica. Isa itong pelikulang kaabang-abang at dito’y muling magpapakita ng galing si Chanel.

“Second time ko na to work with Rocco, si Aljur, first time pa lang po.

“Ako po dito ay si Magda, isang sakitin na pulubing ina na nag-travel with her family on foot from Manila to the mountains dahil may narinig kaming word of hope na may lugar sa bundok na magbibigay sa amin ng magandang buhay,” saad ng aktres.

Ano’ng klaseng movie ito?

“Action-suspense ito, kaya kakaiba na naman ito at sana ay abangan ng moviegoers,” wika pa ng aktres.

Incidentally ang pelikulang kasama si Chanel na Of Sinners and Saints ay isa sa entry saWorld Premieres Film Festival Philippines na gaganapin sa June 24 to July 7, 2015 sa selected SM Cinemas.

Ito’y mula sa See Thru Pictures at tinatampukan din ito nina Polo Ravales, Raymond Bagatsing, Richard Quan, Sue Prado, at pinagbibidahan ng Italian-Filipino actor na si Ruben Maria Soriquez na siya ring producer at director nito.

Ang Of Sinners and Saints ay ukol sa mga pari at tinatalakay ang senstibong isyu sa ating lipunan ukol sa mga pari.

ALAM MO NA! –  Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Herbert Batista Rene Boy

HB iniyakan ng matatanda at tinawag na Rene Boy

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IIYAKAN ang matatandang babae kay senatoriable Herbert Batista nang umikot siya sa Cebu City …

Blind Item, Mystery Man, male star

Baguhang male star na jutay at mahal sumingil ‘di na in sa mga beki

HATAWAN!ni Ed de Leon MATAPOS ang isang ginawang BL, wala na ngang narinig tungkol sa isang baguhang …

Derrick Monasterio, Ricky Martin

Derrick Monasterio pina-follow ni Ricky Martin ng Menudo

HATAWAN!ni Ed de Leon MUKHA nga yatang ang gusto nilang palabasin ay si Derrick Monasterio na ang pinaka-sexy …

Daniel Padilla

Daniel apektado ng cost cutting

HATAWAN!ni Ed de Leon KUNG napapansin ninyo, ang maraming projects ngayon ay iyong mga baguhang love teams, …

Bea Alonzo Tanduay Calendar Girl 2022 Feat

Bea kung kailan tumanda at saka nagpa-sexy

MATABILni John Fontanilla POSITIBO at negatibo ang reaksiyon ng netizens sa paglabas ng mga sexy photo ni Bea …

Leave a Reply