Monday , December 6 2021

Tagaytay City itinanghal na most child friendly city sa magkasunod na taon (Sa ilalim ng liderato ni Mayora Agnes D. Tolentino)

agnes tolentinoANG Tagaytay City ngayon ay pinamumunuan ng kanilang kauna-unahang babaeng alkalde sa katauhan ni Mayora Agnes D. Tolentino, ang kabiyak ng puso ni  kasalukuyang Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, na nag-full-term din bilang alkalde sa nasabing lungsod bago ang kanyang misis.

Tagaytay City is making a milestone in their history.        

Sa magkasunod na dalawang taon, itinanghal ang lungsod bilang most child-friendly city kaya naman sa kanila iginawad ang Presidential Award for the Most Child Friendly City.            

Ang Tagaytay ay isa sa pamosong lugar na paboritong puntahan ng mga lokal at dayuhang turista dahil sa ganda ng tanawin, malamig na klima at itinuturing na isa sa pinakamalinis na bayan sa bansa.

Hindi na mabilang ang iba’t ibang award mula sa local and foreign awards and citation bodies dahil sa kanilang programs and promotion sa larangan ng edukasyon kalusugan at kapaligiran.

Bukod diyan, ipinatutupad din ang adbokasiya para sa proteksiyon, pangangalaga sa mga bata, edukasyon, health-nutrition at iba pang development programs kaya nagwagi sa child friendly (component city) category award.

Kung ganyan ka-komprehensibo ang programa ng isang lungsod para sa mga bata at kabataan, natitiyak natin na mabubuting mamamayan ang kanilang maipupundar para sa hinaharap.

Kay Mayor Agnes Tolentino at sa mga taga-Tagaytay, congratulations po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Hataw

Isang alaala ng walang pag-iimbot na pagtulong

ISANG alaala na hindi ko makalilimutan habang ako ay nabubuhay ay nang magkaroon ako ng …

Sir Jerry Yap JSY Percy Lapid

True friendship lasts forever

MAGANDANG gabi po sa inyong lahat. Una ko pong nakilala si Jerry Yap, sa katotohanang …

Sir Jerry Yap JSY Rommel Sales

Maligaya na ang birthday ko, okey na si Rommel — JSY

MARAMING salamat, Sir JSY. Nabulabog mo kaming lahat, mga tauhan mo, pamilya, lahat ng nagmamahal …

Sir Jerry Yap JSY Dianne

JSY: The authentic Mr. Bulabugin until his death

GOOD evening, Everyone. My name is Diane, and I’m the daughter of Jerry Yap. I …

Sir Jerry Yap JSY Almar Danguilan Family

Thank you JSY for being big time suki of Gardenera

ni Almar Danguilan KUNG isa-isahin ang mga kabutihan na naibahagi ni Boss Jerry sa akin …

Leave a Reply