Ang Zodiac Mo (May 18, 2015)

00 zodiacAries (April 18-May 13) Hindi kailangang magpakahirap upang maging trend-setter, ito’y nasa iyong dugo.

Taurus (May 13-June 21) mas ligtas kung magmamasid muna imbes tumalon nang hindi sigurado ang babagsakan. Ituloy ang balakin sa susunod na araw.

Gemini (June 21-July 20) Pakiramdam mo masyado kang nagmamadali ngayon. Ang resulta nito’y posibleng maging positibo, ngunit kung mamalasin, hindi magiging maganda.

Cancer (July 20-Aug. 10) Mas mainam kung lalahok ka sa maliliit na mga proyekto o gawain, mahihirapan kang tapusin ang mahihirap at matatagal na mga gawain.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Madali lamang para sa iyo na ibahagi ang good times, kaya naman mahal ka ng mga taong nasa iyong paligid.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Hindi maiiwasang somobra ka sa social boundaries, gaano man ito kadelikado o kaasiwa.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Matutukso kang magdesisyon nang hindi nag-iisip. Tingnan kung matutulungan ka ng iyong pamilya upang magabayan ka sa bagong direksyon.

Scorpio (Nov. 23-29) Mainam ang araw ngayon sa paghingi ng tulong sa iba, hinggil sa pamumuhunan sa negosyong hindi ka naman sigurado.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Magiging maayos ang pakikipagnegosasyon ngayon, bagama’t ang kausap mo ay dati mo nang nakaalitan.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Gawin ang lahat ng mga gawain ngayon nang hindi masyadong pinapagod ang mental powers.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Madali kang magkaroon ng maraming kaibigan, salamat sa iyong sariling good energy at sa ibang taong nagpaparami rin ng mga kaibigan.

Pisces (March 11-April 18) Ayaw mong sumuong sa hindi sigurado ngayon, ngunit hindi dahil sa ikaw ay naduduwag.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Mapapansin mong mismong ang mga tao ang naghahanap sa iyo dahil sa iyong kagalingan sa liderato sa iba’t ibang larangan, huwag silang bibiguin.

ni Lady Dee