This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
SA LOOB ng 12 taon panunungkulan sa Senado, aba ‘e nalulungkot pa raw si Senator Lito Lapid a.k.a. Leon Guerrero dahil hindi pala siya ‘fit’ sa pagiging Senador dahil wala siyang college education.
Ang tagal naman ng realisasyon mo, Leon Guerrero.
Pero ito ang classic na hirit…kaya ipapasa na lang daw niya sa anak niyang si Mark Lapid ang pagiging senador.
What the fact!?
Ang lakas pala ng sense of humor mo Leon Guerero! Napatawa mo ako nang malakas doon, ha!
Mantakin mong sa loob ng 12 taon ‘e ikaw pa ang nalungkot?!
‘E kaming mga botante dapat ang magsabi niyan, hindi ikaw.
Ang dami mo nga raw nabutas na silya sa Senado. Ang dami mong naubos na pondo at higit sa lahat maraming nabingi sa sobrang katahimikan mo.
Tapos ngayon mo lang na-realize na hindi ka karapat-dapat sa posisyon na ‘yan?!
Sonabagan!
‘E mukhang luging-lugi ang taong bayan sa iyo Mr. Senator!?
Ngayon naman ay balak mo pang tumakbong Mayor sa Angeles City, dahil tinitiyak mo ngayon na kayang-kaya mong maging mayor?!
Sa pelikula siguro, puwede, maniniwala akong kaya mo. Pero sa totoong buhay?! I doubt, again and again, Mr. Leon Guerrero.
‘Yun kasi ang problema ninyong mga artista na nag-aambisyong maging politiko, akala ninyo papel lang sa pelikula ang pagsungkit ng puwesto sa gobyerno.
Natural na makahahamig ka ng popular votes, ta-artits ka nga ‘e.
At ‘yun naman sana ang ikonsidera ng mga kagaya ninyo Mr. Leon Guerrero. Kung alam n’yo naman na wala kayong kakayahan, huwag ninyo ambisyonin ang posisyon… maawa naman kayo sa constituents.
Mapagod ka naman sa serbisyo publiko ‘kuno’ mo… Hindi naman kabayo ang mga botante para pasanin ka pagkatapos ‘e ikaw lang ang nagkakamal!?
Ikaw din, baka unang mapagod ang kabayo mo iwanan kang mag-isa at magmukha kang kawawang koboy.