Saturday , May 18 2024

Gerald, ‘di takot tapatan ang concert ni Daniel

ni Roldan Castro

050515 gerald santos daniel padilla

MARAMING bagong pasabog sa nalalapit na concert ni Gerald Santos sa PICC sa June 13, 8:00 p.m. entitled Metamorphosis.

Unang-una na ang symphony orchestra ang tutugtog sa kanya at magpapayanig din ng dancing skills niya. Kinarir niya talaga ang pagsasayaw. Bukod dito, mga bata ang mga musician niya pati ang kanyang musical director.

Bakit Metamorphosis?

“Figurative po ‘yun. Ang gusto po naming ipakita rito sa concert na ito ‘yung basically transformation ko po. From a boy to a man na po right now. Hindi lang po physically but lahat na po.”

Sinabi rin niya na magpapakita siya ng skin at naniniwala siya na makatutulong ang pagpapakita niya ng katawan sa concert.

“Sobrang makikita nila rito yung sexy and mature na Gerald, musically and iyon, physically,”deklara pa niya.

Pangalawang pagkakataon na tinapatan ni Gerald ang concert ni Daniel Padilla.

“Oo nga, e! Pero hindi naman po kami nagwo-worry kasi nandiyan naman ‘yung Team Gerald, ‘yung followers ko talaga, ‘yung sarili ko pong market. Iba naman po ‘yung market niya, so hindi po kami worried,” sambit pa niya.

Bukod dito, ang pagpapaseksi niya sa concert ay isa sa wala sa concert ni Daniel.

“And siyempre of course ‘yung real music, ‘yung genuine na music, ‘yung genuine na singing, iyon ‘yung maririnig nila,” sey pa niya.

Guests ni Gerald sina Azrah Gaffoor, Ali Forbes, Yuan Santiago, ang world-class girl group na MICA, ang Ateneo Chamber Choir, ang San Pedro Calungsod The Musical cast at isang very special guest na babae.

Ito ay sa direksiyon ng manager ni Gerald na si Cocoy Ramilo.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *