Thursday , June 25 2026

Ramos ginulat ang kalaban sa Sun Cellular Badminton

042715 sun cellular badminton

ISANG malaking upset ang itinala ni Samantha Louis Ramos sa Luzon Qualifiers ng Sun Cellular National Juniors Badminton Tournament na ginanap sa Baliwag Gymnasium sa Bulacan kahapon.

Ginulat ni Ramos ang top seed at beteranong national player na si Alyssa Alvarez Geverjuan, 21-13, 21-18, upang makapasok sa semifinals.

Makakaharap niya si Qianxi Orillaneda na nanalo naman kontra kay Mary Ann Amposta, 21-8, 21-18, sa girls’ under-19 division.

Sa ibang mga resulta, pinatumba ni Ann Jeline Lopez Masongsong si Irish Queen Molina, 21-19, 21-14, habang pinadapa ni Mariya Anghela Canlas si Maria Estrella Duran, 21-9, 21-6, upang makumpleto ang mga lalaban sa semis sa torneong handong ng Sun Cellular, Smart Communications, MVP Sports Foundation, Smash Pilipinas, Victor Badminton at Fortright Events & Sports Management.

(James Ty III)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …

VNL USA Czechia

Sa Women’s Volleyball Nations League  
USA nagpakitang-gilas sa Pasig, Czechia tinambakan sa tatlong set

PASIG CITY — Mahigpit na pinigilan ng United States ang opensa ng Czechia upang itala …

PSAA Season Rise of Champions

PSAA Season 3: Rise of Champions aarangkada na ngayong Linggo sa Makati Coliseum

OPISYAL na bubuksan ngayong Linggo, June 21 ang Season 3 ng Philippine Schools Athletic Association …

Madi Kubik-Banks USA Dominican Republic VNL

Dinomina ng USA ang Dominican Republic sa one-sided na panalo sa VNL sa PhilSports

PASIG CITY — Nagpakita ng mahusay at organisadong laro ang binagong koponan ng Estados Unidos …

Volleyball Nations League VNL

Women’s Volleyball Nations League (VNL) Philippine leg
Mga Volleyball Powerhouse Maghaharap sa Philsports Arena

ISANG matinding hanay ng mga kampeon at medalists ang magtatagisan sa Philippine leg ng Women’s …