Manila Tara ‘este’ Tricycle Regulations Office

MTROSandamakmak na naman na reklamo ang ipinarating sa atin, sa talamak na kotongan at taryahan sa mga tricycle, pedicab, kuliglig drivers ng mga tulisan ‘este tauhan ng MANILA TARA ‘este TRICYCLE REGULATIONS OFFICE (MTRO).

Ayon sa pobreng drivers, P50 pesos ang regular na tara o hatag kada isang tricycle o kuliglig sa MTRO.

Gaya ng ilang pilahan sa Tondo, Maynila na nagbibigay ng P50 ang bawat drayber tuwing Biyernes.

Kung titingnan ay parang maliit na halaga ang P50 pero malaking perhuwisyo sa mga maralitang driver. Diyan lang sa Parola at Permanent Housing ay mahigit 300 ang mga tricycle na pumipila sa nasabing lugar.

Kung sa P50 x 300 ‘e magkano ho ba ang suma-total n’yan Yorme Erap, sir?

Sa isang pilahan pa lang ho ‘yan!

Paano kung pagsamasamahin natin ang lahat ng mga PILAHAN sa kamaynilaan ‘e tiyak aabot nang daang libo ang nakokotong diyan ‘di ho ba Mayor Erap!?

‘Eto pa ang matindi, parang mga asong ulol daw ang dalawang grupo riyan sa MTRO na nag-uunahan ng pangongolektong sa kanila pagdating ng Biyernes.

Isang grupo na kulay ORANGE cum KALAWANG at ang isang grupo naman ay kulay BUGHAW cum MAYABANG.

Isang alyas BUBOY BUGOY daw ang para sa kulay kalawang at isang alyas REY PALKU naman ang para sa tropang bughaw na nagpapakilalang bagman ng MTRO.

Ang masaklap sa Manila tricycle drivers,  pinapasok pa nila ang mga dayong tricycle mula sa Navotas, Caloocan, QC at Makati basta may hatag sa kanila.

Sonabagan!

Ito ba ang ipinagmamalaki ninyong pagbabago sa Maynila!?

Pwe!