Kathryn, ‘di ikinatuwa ang ‘pagpatay’ kay Daniel

 

ni Roldan Castro

021815 kathryn daniel

HINDI natuwa si Kathryn Bernardo sa viral edited photo na kumalat sa social media na nasa kabaong ang Teen King na si Daniel Padilla at nasa tabi naman nito si Kathryn. Mayroon ding nakasulat na RIP.

Hindi na lang masyadong iniintindi ng KathNiel dahil feeling nila ay mga batang walang magawa ang pasimuno nito.

Pero sana raw ay last na ‘yung pinapatay si DJ dahil hindi tama ‘yun. Sana raw ay huli na ‘yun na gawin nila.

Tsuk!